NAARESTO ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang consignee ng ecstacy drugs habang kini-claim nito kahapon sa Manila Central Post Office.
Kinilala ang suspek na si Ronron Salonga, residente ng Malate, Manila at nakuha sa kanya ang 2,878 tableta ng ecstacy o tinawag na party drugs na tinatayang aabot sa P4,892,600 ang halaga.
Ayon sa report inilagay sa loob ng package ang ecstacy kung saan idineklarang dalawang damit ng babae, isang damit ng bata, isang sapatos at ipinadala ito ng isang Mary Lumbao Edward mula sa Netherland.
Nadiskubre ito sa pamamagitan ng profiling at eksaminasyon ng naka-assigned na NAIA Customs Examiner at sa tulong ng K-9 sweeping na ginamit ng mga ito.
Ang 12 packs ng ecstasy tablets na kulay green at gold ay itinago sa loob ng karton at binalot ng packaging tape upang maitago sa mga kinauukulan.
Kasalukuyang sumasailalim ang suspek sa custodial investigation dahil sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) in relation to Section 118 (Prohibited Importation), Section 1113 (Goods Liable for Seizure and Forfeiture) and Section 1401 (Unlawful Importation) of the Republic Act 10863, otherwise known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROILAN
MORALLOS
Comments are closed.