PAMPANGA-DINAMPOT ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Bureau Customs Anti-Illegal Drug (BOC-AID) nitong nakalipas na araw ang claimant ng ilegal na droga.
Ayon sa report ang mga naturang droga ay galing sa Henderson, Nevada USA na tinatayang aabot sa P90,000 ang halaga kung saan idineklara ito bilang Expo Marker Pens, One pack Dart flights, at pop Boy ngunit nang dumaan sa 100 percent examination nadiskubre na taliwas sa naging deklarasyon sapagkat tumambad sa mga examiner ang tatlong transparent plastic sachets ng shabu at liquid marijuana sa loob ng package.
Nakatakda naman kasuhan ang claimant dahil sa paglabag ng sections 118, (g), 119 (d), at 1113 paar. F,I, and 1( 3 &4) ng RA 10863 o tinatawag na Customs Modernizxation and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang naturang mga droga ay agad na inilipat sa kamay ng mga tauhan ng PDEA para sa gagawin chemical laboratory analysisat pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa consignee. FROILAN MORALLOS