TIMBOG sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bulacan ang claimant ng 100 tablets ng ecstacy na tinatayang aabot sa P170,000 ang halaga.
Kinilala ang suspek na si Isabel Lim ng Villa Katrina Subd. Baliuag, Bulacan na nahuli sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na mga tauhan ng BOC at PDEA.
Ayon sa report dumating ang mga droga noong Agosto 11 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) at idineklarang bilang mga sulat mula sa Netherlands.
Si Lim at ang 100 ecstacy ay nasa kostudiya ng PDEA at kasalukuyang sumasailalim ng custodial investigation at inquest proceedings dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala na Comprehensive Drugs Act at ng RA 10863 also known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROILAN
MORALLOS