CLAIMANTS NG SPRATLYS MAGKAISA – ESPER

Delfin Lorenzana and Mark T. Esper

CAMP AGUINALDO – HINIKAYAT kahapon ng bumisitang U.S Secretary of Defense ang mga bansang claimant sa Spratlys o teritoryo sa South China Sea na magkaisa at igiit ang kanilang soberenya.

Tinalakay ni U.S. Secretary of Defense Mark T. Esper at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana  ang pagpapalawak ng shared security interests and priorities.

Muli nanindigan ang U.S at Filipinas sa pagpapairal ng freedom of navigation, overflight, at iba pang gamit ng karagatan sa South China Sea, at ang kahalagahan na mapayapang maresolba ang hidwaan hinggil sa mga pinag-aagawang teritoryo base  sa umiiral na international law na sumasaklaw rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kapwa nangako ang dalawang bansa na higit pang palalawakin ang kanilang kooperasyon at lalo pang palalakasin ang kanilang 70 taong alyansa para matiyak ang mutual security  peace, stability, and economic opportunity sa rehiyon ng dalawang bansa.

Tinalakay rin ng dalawang kalihim kung paano makatutulong ang Estados Unidos sa mo­dernisasyon ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) na mapatatag ang  maritime security capabilities at domain awareness, at paglulunsad ng rapid humanita­rian assistance. VERLIN RUIZ

Comments are closed.