CLAIMS STATUS REPORT PARA SA MGA PHILHEALTH ACCREDITED INSTITUTIONAL HEALTH CARE PROVIDER

Philhealth Kaagapay Natin

BUNSOD  ng mga isyu tungkol sa umano’y hindi pagbabayad ng PhilHealth sa claims ng  ilang pribadong ospital sa ilalim ng Private Hospital Association of the ­Philippines, Inc. (PHAPI), ang PhilHealth ay magpapadala na ng Summary of Claims Status Report o SCSR sa lahat ng pampubliko at pribadong accredited hospitals upang makatulong sa reconciliation ng kanilang claims records sa amin.

Dahil dito, pinapayuhan namin ang lahat ng aming partner hospitals na i-update ang kanilang mga official e-mail address sa ­aming mga PhilHealth Regional Officers (PROs) mula May 21 to May 23, 2018.

Ang SCSR ay naglalaman ng mga sumusunod:  status ng kanilang claims na hindi pa nababayaran; mga nakabimbin; at mga na-deny at ibinalik na claims. Ito ay ipadadala sa kani-kanilang mga official e-mail address mula May 24, 2018.

Kami ay umaasa na pabibilisin nito ang pagtutugma ng mga record at makatulong sa tuloy-tuloy at bukas na diyalogo sa pagitan ng PhilHealth at accre­dited providers. Sa ganito ay ina­asahan namin na mas mapabuti pa ang serbisyo namin sa lahat ng pasyente at miyembro ng PhilHealth.

Ang mga katanu­ngan at iba pang concerns ay maaaring isangguni diretso sa aming Health Care Delivery Management Division (HCDMD) Heads maliban sa PROs III at NCR kung saan ang hahawak  ay ang Benefits Administration Chiefs.

oOo

Kung kayo ay may anumang katanu­ngan sa PhilHealth o sa paksang nailathala sa aking kolum, tumawag lamang sa aming 24/7 Corporate Action Center Hotline sa (02) 441-7442, magpadala ng sulatroniko sa actioncen­ter@philhealth.gov.ph o mag-post ng komento sa aming Facebook page, www.facebook.com/PhilHealth.  Maaari din ninyong bisitahin ang www.philhealth.gov.ph para sa iba pang impormasyon.

 

Comments are closed.