HINDI naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na tanging pangunguha lamang ng giant clams ang ginagawa ng mga Tsino sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Locsin, sisiguruhin niyang maaaksiyunan ang nasabing usapin upang maprotektahan ang endangered species na naroon.
Sa tweet ni Locsin, sinagot nito ang pahayag ng Malacañang na umano’y walang ibang pakay ang China sa ginagawa nitong extraction sa lugar kundi ang makakuha ng mga tulya, na isa aniyang malinaw na panghihimasok sa soberaniya ng Filipinas.
Samantala, binigyang diin naman ng kalihim na ang naging aksiyon ng DFA na paghahain ng diplomatic protest laban sa poaching activities ng China sa Scarborough Shoal ay patunay lamang na mariin itong tinututulan ng gobyerno. JOPEL PELENIO
Comments are closed.