May pusong pangkultura at maka-Filipino, ibinuhos ni Clang Garcia ang kanyang kaalaman sa pagiging tour operator, publisher at negosyo. Ibinaling niya ang kanyang passion sa saya, kakaiba at madaling unawaing konsepto upang ipakilala at ipagmalaki ang kultura ng bansa gamit ang hari ng lansanga, ang jeeney – kaya tinawag niya ang kanyang negosyong Jeepney Tours.
Crusader din si Clang ng Philippine Gastronomy Tourism, kung saan namamasyal ka na, nakakatikim ka pa ng kakaibang mga pagkaing ipinagmamalaki ng bawat rehiyon.
Pilipinas lamang ang may jeepney. Tinawag itong ‘Hari ng Lansangan’ dahil sa kakaiba nitong box type frame, at dahil sa mga driver na napakabibilis magpatakbo at napakahusay sumingit ahit pa napakahigpit ng traffic. Ang jeepney ay pamana ng World War II. Matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Hapones at Americano, naiwan sa
Pilipinas ang mga owner jeepneys na inayos at pinaganda naman ng mga inventive na Filipino.
Hindi lamang sightseeing ang dala ng Jeepney Tours. Dala rin nito ang mga alaala ng kabataan sa mga lokal na komunidad. Tikman ang tinolang native chicken sa mga karinderya, ang matamis na sampalok, homemade mango iced candy, at kung anu-ano pa. dahillumaki si Clang sa kanyang lola na may carinderia sa Pasay, pinakinabangan nitya ng husto ang kanyang mga kaalaman.
Kung tutuusin, isa siyang tour operator, unintentional chef, international award-winning writer, entrepreneur, at masugid na advocate ng cultural heritage at Philippine tourism. Hindi siya nagsasawang mag-aral at matuto.
Bilang founder and president ng Jeepney Tours, ipinangangalandakan niya ang culinary heritage journey – mula sa masasarap na pagkain sa Intramuros at Binondo hanggang sa Bicol, Palawan, Ilocos, at Dumaguete. Para kay Clang, ang jeepney ay nagsisilbing mahalagang cultural symbol. Naniniwala siyang ang walang katapat na hari ng lansangan ang tagapagpakilala ng Filipino spirit of ingenuity, resiliency, at entrepreneurship. Ito ang kaluluwa ng mga Filipino, kaya ang bawat tour packages ay hindi mo makikita sa kahit saang travel agency. Halimbawa na lamang, kung magsasagawa ng cooking demo sa Bicol, gagawin ito sa paanan ng Mayon Volcano. Walang gumagawa nito kahit saan, kaya nagkakaroon ito ng masaya at magandang alaala, at positibong impresyon sa mga bumibisita sa Pilipinas.
Mahirap maging isang culinary tour operator, pero ganoon ang jeepney tours. At para maipatupad ito, pumili si Clang ng 15 heirloom recipes mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ngunit sa lahat ng iyan, para kay Clang, ang pinangat ng Bicol at tunay na nagpapakilala ng kulturang Filipino. Hindi na kasi uso yung magtu-tour para lamang mag-sightseeing; Iba na ngayon. Mas maraming experience, mas maganda.
Hindi lamang international clients ang meron si Garcia. Kahit mga locals, gusto ring mamasyal, lalo na ang mga senior citizens. Gusto rin nilang makaranas ng mga kakaibang bagay – sa Pilipinas.
Sa tulong ng Jeepney Tours, muling bubuhayin ang unti-unting namamatay na tradisyon at kultura. Walang katapat na presyo ang pamana ng lahi, lalo na ang masasarap na pagkaing matitikman mo kung kasama ka sa isang tour ni Clang. NLVN
Bicol Pinangat/Tinuktok
INGREDIENTS:
½ kg hipon, binalatan at inasinan
600g meat of young coconut, grated
2 onions, chopped
3 2 tbsp. ginadgad na luya
4 6 cloves garlic
Siling labuyo
20 o 30 sariwang dahoon ng gabi na walang butas
Pantali sa Pinangat
6 to 8 dahon ng lemongrass
3 to 4 cups Pure coconut milk
For the sauce/ topping:
5 cups tkakang gata
5 cloves garlic, finely chopped
6 4 shallots, finely chopped
7 2 stalks lemongrass (lower white stalks), sliced
8 Asin
3 to 5 spring onions, finely chopped
INSTRUCTIONS:
Pagsama-samahin ang hipon, grated young coconut, onion, ginger, garlic at siling labuyo. Tadtarin o padaanin sa food processor hanggang maging parang paste o cornmeal.
Sumukat ng tatlong kutsara at balutin sa dahoon ng gabi. Talian para hindi mabulwas. Ihilera sa palayok na may lemongrass sa ilalim ang mga pinangat pieces.
Ibuhos ang gata, takpan, at pakuluan sa mahinang apoy habang hinahalo paminsan-minsa upang hindi masunog. Kapg naglalangis na ang gata, luto na ang pinangat.
Habang pinakukuluan ang pinangat, magpakulo sa hiwalay na kawalui ng pinagsama-samang kakang gata, bawang, shallots at lemon grass. Lagyan ng asin at muling pakuluin sa mahinang apoy hanggang lumapot. Lagyan ng spring onions sa ibabaw matapos alisin sa apoy.