CLARK INTERNATIONAL AIRPORT, PROMISE OF TOMORROW

Airport na gawa sa kahoy! Kakaiba, kaya naman nakuha nito ang Best International Airport of the year award — ang Clark International Airport (CRK).

Hindi kataka-takang nakuha ng CRK ang titulong clAirport of the Year – Philippines sa prestihiyosong 2024 TDM Tra­vel Trade Excellence Awards – Asia.

Sa tulong ng International Design Associates (IDA) ng Hong Kong, gumamit ang Megawide ng Glued-Laminated Timber o “Glulam” technology — Ang kauna-unahan sa Philippines.

Pinamumuan ito ni Winston Shu, isa sa pinakamahusay na arkitekto ng IDA. Ang bubong umano ng CRK ang pinakamalaking “single roof” na gawa sa GluLam sa buong mundo. Baka maglagay na naman tayo sa Guinness Book of World Record.

Isang timber engineering expert firm na nakabase sa Austria ang nag-supply ng mga glulam trusses o ang mga kahoy na ginawang bubong — ang  Rubner Holzbau. Gumawa ito ng wavy design na ang naging inspirasyon ay ang mga kabundukan ng Zambales. Imported naman sa Italy ang 47,800 sq.m aluminum alloy roofing.

Ayon kay BCDA President and CEO Vivencio Dizon, “As the next premier gateway to Asia, Clark International Airport should be designed and constructed only by the best in the world,”

Clark International Airport ang pinakabago at pinakamodernong airport ngayon sa bansa. Ito marahil ang dahilan kung bakit kinilala ito ng UNESCO at ginawaran ng World Architecture and Design Award o “Prix Versailles.” Maipagma­malaki Kasi natin ngayon na isa ito sa pinaka­magandang airports sa buong mundo.

Sa susunod Kong pangingibang bansa, sisiguruhin kong sa CRK ako sasakay ng eroplano. Makatikim man lang ng serbisyo ng “one if the best in the world.”

JAYZL NEBRE