CLARKSON MASUSUBUKAN VS CHINA

Jordan Clarkson

JAKARTA – Isinagawa ng Philippine men’s basketball team ang unang full scrimmage nito kasama si Jordan Clarkson at kumbinsido si head coach Yeng Guiao na ang Cleveland Cavaliers player ay walang katapat, kahit laban sa China,  sa 18th Asian Games.

“I think he’s a class of his own in this Asian Games,” pahayag ni Guiao, na ang mga mata ay puno ng kumpiyansa. “Wala pa akong nakita. I’ve watched Korea, China, Japan, Iran. I don’t think skill-wise may tatapat sa kanya.”

Nakalaro na ang da­lawa sa pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo – Kobe Bryant sa LA La­kers at LeBron James sa Cavaliers— si Clarkson ay maraming maipakikita.

At iyan ang dahilan kung bakit ang Rain or Shine-led Philippine team ay mas mabilis, mas mapanganib at mas matatag ngayon sa backcourt.

“Nadagdagan ang quickness natin sa pagda­ting si Clarkson,” ani Guiao.  “Jordan’s mentality is he can control the game just by his decision-making not to mention his skills and physical abilities.”

“If you give him the ball and make him create, it’s either he will find the open guy or he will score. A lot of PBA [Philippine Basketball Association] imports don’t get to that level. Mayroon silang physical skills, mayroon silang size and mayroon silang abilities, pero at a young age, it’s really the mental aspect of the game (that sets him apart). How he reads the game, how he makes decision, how he chooses his options, I think that’s the difference,” dagdag pa ni Guiao.

Si Clarkson ay masusubukan sa laro ngayon ng PH team laban sa Chinese squad.

Comments are closed.