NASA bansa na si NBA star Jordan Clarkson, na inaasahang palalakasin ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa darating na window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Si Clarkson ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 lulan ng PAL flight PR 113 noong Biyernes ng gabi.
Dumagsa ang fans sa airport upang masulyapan ang Filipino American Utah Jazz guard, na maglalaro bilang naturalized player para sa Philippine team.
Sasamahan ni Clarkson— dating NBA Sixth Man of the Year awardee— ang ilang professional at collegiate players sa 24-man pool ng Gilas.
Haharapin ng koponan ang Lebanon sa Aug. 25 sa Beirut, pagkatapos ay magiging host sa Saudi Arabia sa Aug. 29.
Ang NBA player ay huling naglaro para sa Gilas sa 2018 Asian Games sa Indonesia.