‘CLASH OF THE TITANS’

Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

3 pm – Opening Ceremonies

4 pm – Generika-Ayala vs UA-UP

6 pm – Foton vs F2 Logistics

MAGSASAGUPA ang mga bigating F2 Logistics at Foton sa pagsisimula ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawa sa mga maagang paborito, ang Cargo Movers at Tornadoes ay maghaharap sa main game sa alas-6 ng gabi matapos ang bakbakan ng United Auctioneers-University of the Philippines (UA-UP) at Generika-Ayala sa unang laro sa alas-4 ng hapon.

Bago ang laro, isang Indonesian-inspired opening ceremony ang magbubukas sa mid-season conference.

Sa kasawiang-palad, hindi makapaglalaro si star spiker Tots Carlos para sa Lady Maroons sa buong conference makaraang magtamo ng shin injury na nanga­ngailangan ng hindi bababa sa walong linggo para makarekober.

Sinabi ni UA-UP head coach Godfrey Okumu na ang pagkawala ni Carlos ay magbibigay ng pagkakataon kina Ayel Estranero at Jessma Ramos para kuminang, kung saan ang dalawa ay maglalaro sa kanilang unang club league sa labas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), habang maipamamalas na ngayon ni Isa Molde ang kanyang talento matapos na makakuha ng limitadong minuto sa Foton sa naunang Grand Prix.

“We were given a special chance to play in this league,” aniya.

“I have a very young team, but it’s a good team, a very strong team. We’re here to gain experience and share what we have with other teams. So we might be a very surprising team.”

Subalit, nakatuon ang lahat sa super showdown sa pagitan ng F2 Logistics at Foton.

Ipaparada ng Cargo Movers ang core ng UAAP champion De La Salle University, sa pangunguna nina Kianna Dy, Dawn Macandili, Majoy Baron, Michelle Cobb, Desiree Cheng at Tin Tiamzon, habang magbabalik sina veterans Aby Marano, Kim Fajardo, Ara Galang at Cha Cruz.

Inamin ni F2 Logistics assistant coach Noel Orcollo na may pressure ngayong conference,  lalo na’t nakapasok sila sa Grand Prix finals sa dalawang sunod na taon.

“We will just play our game and utilize whoever we have in our team,” wika ni Orcollo.

“Even if expectations are high, we don’t take it as pressure. We will just play our game and stick to coach Ramil’s system,” dagdag pa niya.

Samantala, kinuha ng Tornadoes ang chief rival ng Lady Spikers, sa katauhan ni dating Ateneo de Manila star Bea De Leon.

Makakasama ni De Leon, isang 5-foot-11 former national team member, ang malalakas na frontline na binubuo nina  Jaja Santiago, Dindin Manabat, CJ Rosario, Maika Ortiz at Gen Casugod, kung saan ang Tornadoes ang pinakamatangkad na koponan sa liga.

“We have a very good team with our tall lineup,” wika ni  Foton coach Rommel Abella. “But we’re still working on our chemistry every single practice. We just need to take it one game at a time and respect whoever we are facing.”

Comments are closed.