CAMP CRAME – SMOOTH at walang untoward incident sa pagbubukas ng klase kahapon, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, General Oscar Albayalde sa press briefing.
Aniya, bagaman dagsa ang mga tao sa kalsada patungo at paalis ng iba’t ibang eskwelahan, wala namang karahasan ang naitala.
Aabot din aniya sa 149,484 na pulis ang kasama sa force multipliers ang bumakod sa mga paaralan at mga pampublikong lugar.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga guro, estudyante at maging ang mga magulang na maghahatid sa mga paaralan.
Paglilinaw naman ng PNP na kahit hindi class opening ay magiging mapagbantay sila sa ilalim ng kanilang pinaiiral na Enhanced Managing Police Operations Strategy at kampanya laban sa illegal drugs para mapanatili ang peace and order sa bansa.
Nanawagan din si Albayalde sa publiko na maging alertado laban sa mga kriminal na maaaring magsamantala sa mga estudyante. EUNICE C.
Comments are closed.