CLASSROOMS NA GAMIT NG SENIOR HIGH SCHOOL KAILANGAN NANG GAMITIN NG SUCs AT LUCs

IGINIIT  ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera III na ngayong tapos na ang transition period at puno na ang state universities and colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) kailangan na nilang gamitin ang mga classroom at teachers, kaya’t wala nang basehan para sila ay magpatuloy ng mag- o offer ng senior high school (SHS) dito subalit maaari pa ring makapag -enroll sa kursong ito sa mga paaralan na pinamamahalaan ng Department of Education (DepEd).

Kaugnay nito ay nagpahayag naman ng pagkabahala si Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas sa magiging epekto sa mga kasalukuyang mag-aaral ng biglaang pagpapatigil ng senior high school program sa SUCs at LUCs.

“Itong nakaraang dalawang taon, pinagsasabihan namin ang mga public universities, I- wind down n’yo na ang inyong senior high dahil wala ng legal basis yung inyong pag -offer ng high school,”sabi ni De Vera III.

Ito ay matapos ianunsyo ng CHED ang pagpapatigil sa pag- offer ng senior high school sa SUCs at LUCs simula 2023-2024. Paliwanag ni De Vera III wala nang legal na batayan para pondohan ng state SUCs) at LUCs ang Senior High School sa Memorandum na inilabas may petsang December 18, 2023 nakasaad na lumampas na ang awtoridad ng SUCs at LUCs matapos ang school year 2016-2017 hanggang 2020-2021.

“Ngayon tapos na ang transition period.Puno na ang mga state universities and colleges.Kailangan na nila gamitin ang mga kwarto at mga teachers, kaya’t wala nang basehan para sila ay magpatuloy mag offer ng senior high school.Tapos na ang legal basis nito.Ito ang agreement ng DepEd(Department of Education)atsaka CHED,”paliwanag ni De Vera III.

“This is to reiterate the decision of the Commission, through CMO (CHED Memorandum Order) Nos. 32 and 33,series of 2015 and 2016,respectively, the engagement of SUCs and LUCs in basic education through Senior High School shall be limited to the K-12 transition period which is from 2016-2017 only”.

Subalit nilinaw ni De Vera III na hindi ganap na ihihinto ang programa ng SHS.Hindi na lang ito iaalok sa SUCs at LUCs. Ngunit maaari pa rin umanong mag enroll ng SHS sa DepEd at mga pribadong paaralan at unibersidad ang mga mag aaral sa Grade 11 at 12.

Sa kabilang banda, naglabas naman ng abiso ang DepEd na wala ng tulong mula sa gobyerno ang ibibigay sa mga estudyante at guro mula sa state at local universities and colleges para sa SHS program.

“Ngayon naglabas na ang DepEd ng circular na hindi na bibigyan ng voucher yung mga estudyante na nasa public universities dahil nga tapos na ang transition period,” paliwanag ni De Vera.
Ang mga SUC na may mga laboratory schools ay patuloy na magkakaroon ng high school students ngunit ang enrollment ay limitado sa 750 na mga mag aaral, ayon sa CHED Memorandum Order No. 32, series 2015.Ang kawalan ng pondo ang isa pa sa itinuturong dahilan ng pagpapatigil ng SHS program sa CHED.

“Ang mga public universities na magpapatuloy magkaroon ng high school ay yung may mga tinatawag na laboratories.Ito Yung mga public universities na nag offer ng teacher education at mayroon silang laboratory school kung saan magte-train ang kanilang mga education students.So yan tuloy pa rin.Even before K-12 mayroon ng laboratory schools ang ilang mga public universities,” sabi ni De Vera III.

Samantala, sinabi naman ni Brosas sa mambabatas, mapipilitan ngayon ang mga estudyante na sa pribadong paaralan tapusin o kunin ang SHS kung saan mas mahal ang matrikula.

Maliban sa mga estudyante ng SHS na maaaring ma-displace, maaari ring mawalan ng trabaho ang mga SHS faculty, sabi ni Brosas.

Ayon sa mambabatas, matagal niya nang tinutulan ang pagdadagdag ng dalawang taon sa High School sa K-12 program dahil na rin sa dagdag pahirap at gastos aniya ito sa mga magulang.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia