NILINAW ni Dr. Ivan Henares, tourism educator for culture policy researcher sa webinar na itinaguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino na may temang Pambasang Buwan ng Pamana 2023, na ipinagbabawal ng batas ang pagsira sa mga gusali at silid aralan na may disenyong kumakatawan sa kultura ang pamana ng Pilipinas.
Paliwanag ni Henares na ang mga disenyong kultura ng Pilipinas ay hindi lamang iisa, maaaring mabago ito sa pagsulong ng panahon kaya hindi dapat sinisira para palitan ng modern ang isang istraktura.
Halimbawa nito, kapag ang isang silid-aralan ay disensyo sa panahon ng Kastila, hindi maaaring tawaging silid-aralang Kastila o bahay Kastila, kundi silid-aralang Pilipino pa rin.
Gayunpaman, hindi ito dapat binabago o sinisira dahil ito ay pamana sa mga susunod na panahon upang mapayaman ang kultura ng mga mag-aaral.
Dagdag pa ni Henares mayroong batas na nagpoprotekta sa mga pamanang istraktura ng bansa.
Sakali namang nasira dahil sa kalikasan o dahil sa kalumaan, maaari namang i-conserve ito o i-repair pero hindi gigibain para maging modern.
“Ang mga school administrator ay maaaring mag-request ng pondo sa Department of Education para sa conservation and restoration sa mga ganitong paaralan,” ayon pa kay Henares.
Pagdiriin pa ni Henares mahalaga ang pananatili ng mga gusali noon dahil kabilang ang ito sa Pamana at pagkilala sa kulurang Pinoy sa tukoy na panahon.
EUNICE CELARIO