NAGPARAMDAM ang bunsong kapatid ni Gretchen at Marjorie na si Claudine Barretto na interesado siyang maging konsehala ng Olongapo City.
Nuong una, nagbibiruan lang sila ng kanyang manager na si Arnold Vegafria na gusto ring kumandidatong mayor ng nasabing lungsod, pero seryoso pala si Claud, na maging public servant. Gustong sundan ang yapak ng kanyang kapatid na si Marjorie na naging konsehala ng Caloocan City. Paano yan, eh residente siya sa Quezon City.
Para sa kaalaman ng mga intrigera, nakapag-establish na si Claud ng residency sa Olongapo at may soft spot din ang Subic sa kanya. Matagal kasi silang ninirahan sa Subic, dahil naging board of director ng SBMA ang yumaong ama ng aktres. Sakaling mahalal siyang konsehala, makakaya kaya niya? Walang problema sa aktres mag-uwian mula sa Kyusi at Olongapo dahil maganda at mabilis na ang land drive. Hintayin na lang nga natin ang paghahain ng Certificate of Candidacy ni Claud.
Samantala, maraming fans ang naiinip kung kelan ipalalabas ang reunion at comeback movie na “Deception” nina Claud at Mark Anthony Fernandez
JAO MAPA PALABAN SA SEXY SCENES
SA pelikulang ‘Paraluman’ na bida si Jao Mapa, may eksena siya kay Rhen Escano at Gwen Garci (dating Viva Hotbabe), at wala silang kiyeme sa bawat eksena, lalo na si Jao. Palaban ng husto ang aktor.
Oo naman, hindi na siya bagets. May asawa at mga anak na siya, at propesyunal actor, kaya tinanggap niya ang role sa Viva Films na mapapanood sa live stream.
Mapaghamon ang role niya. Siya ang magtuturo kay Rhen tungkol sa sex. Zizzling ang eksena, pero naging maganda at hindi lumabas na bastos.
Sa press preview, magsasawa ang iyong mata sa mga sexy scenes! Masuwerte nga si Jao, siya ang first choice ng award winning director na si Yam Laranas.
Sa likod ng kamera ay isang professional painter si Jao, kaya palagay namin, walang malisya sa kanya kapag kumukuha siya ng nude model para ipinta. Kung excited na kayo, mag-online booking na kayo, panoorin ang ‘Paraluman.’
KATHNIEL, MAY DOCU SA YT
SAMPUNG taon na pala ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kahit wala silang teleserye, may ginawa silang documentary na KathNiel: Isang Dekada napanood sa Everyday Kath YT Channel na sila rin ang prodyuser.
Binalikan nila kung paano sila nagkamabutihan sa set ng Growing Up. Ano ang naging epekto ng kanilang loveteam sa personal nilang buhay.
Patuloy rin ang selebrasyon ng ABS-CBN dahil mapapanood sa Youtube ang mga pelikula ng KathNiel tulad ng, Barcelona: A Love Untold, Must be Love at She’s Dating the Gangstar. May spanish dubbed episodes ng teleseryeng ‘Pangako Sa ‘Yo.’ Oppps, kailan kaya magpo propose ng marriage si Daniel? Abangan!
If some one needs to be updated with newest technologies
afterward he must be pay a quick visit this web site and
be up to date daily.