INIINTRIGA ang pagsasama nina Claudine Barretto at Ruffa Gutierrez sa pictorial para sa isang glossy magazine. Hindi naman lingid sa showbizlandia na kelan lang ay nagkaroon ng isyu between Claudine’s elder sister na si Gretchen Barretto at Ruffa.
Inakusahan nga ni Gretchen si Ruffa na nakisawsaw sa tinawag na ‘Barretto Family Feud.’ But after that, nanahimik na si Gretchen habang may mga naglabasang interbyu kay Ruffa. Kaya may mga nag-reak sa pagsasama nina Ruffa at Claudine.
Gaya ng sinabi ni Ruffa, wala naman kasi silang gap ni Claudine or whatsoever. At bukod d’yan, feeling namin mas pipiliin ni Claudine na ‘wag makialam sa isyu nina Ruffa at Gretchen. Mas maraming dapat pagkaabalahan si Claudine kesa makisawsaw sa isyu nina Gretchen at Ruffa.
For sure, magiging abala si Clau sa gagawin nila pag-remember sa kanilang daddy na si Mike Barretto na namatay kamakailan lang.
Sana naman ay sundin ng magkakapatid na Barretto ang hiling ni Mommy Inday na ‘mag-ceasefire’ muna sila hanggang sa ika-40 days ng araw ng kamatayan ng Barretto patriarch.
We heard that now pa lang daw talaga nagsi-sync-in kay Claudine ang lahat nang nangyari sa pagkamatay ng daddy niya.
Hindi raw kasi naging madali sa kanya na tanggapin especially very close talaga si Claudine sa parents niya. Super hands on si Claudine on taking care sa kanyang Daddy Mike sa ospital. Doon na nga siya halos nakatira that time. At pagkatapos, paano raw maggri-grieve si Claudine e, agad na nagkagulo, naipit at nadamay pa siya.
Talagang hirap daw si Claudine na tanggapin lahat. Mabuti na lang may mga kaibigan si Claudine na tinutulungan siya to cope up by reminding her to be strong and focus on her Mom, her kids and most of all, herself.
So now, dina-divert daw niya ang isip niya sa pagda-diet, treatments, exercise, pagpapaganda para sa kanyang pagbabalik sa pelikula.
Sa ngayon, ‘yung movie niya with Piolo Pascual at Vlog niya ang naka-line-up na tutukan niya ngayon.
At the same time, gusto rin pala ni Claudine na magkaroon ulit siya ng teleserye or another movie, plus a movie na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos.
REGINE JOIN NA RIN SA INDIE FILM
INAABANGAN na ang pagbabalik ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa big screen via her first ever ‘indie film’ titled “Yours Truly Shirley” na isa sa official entries ng ika-15 edisyon ng Cinema One Originals.
But how true na ‘di raw si Regine ang original choice para sa “Yours Truly Shirley.” And guess kung sino ang original choice for YTS?
Ayon sa aming source, si Megastar Sharon Cuneta ang unang inalok for this film. Pero tinurn-down diumano ni Mega.
Knows kaya ‘to ni Regine?
Anyway, maganda naman daw ang role niya sa movie sabi ni Regine sa grand media launch ng Cinema One Originals.
Kasama ni Regine sa movie niya sina Denise Padilla at Rayt Carreon na magpe-premiere on November 10, 9:45 pm sa Trinoma mall.
Comments are closed.