CLEAN AIR ACT TIYAKING NAIPATUTUPAD

Hinimok ni Senador Loren Legarda ang mga awtoridad na tiyaking mahigpit na ipinatutupad ang Clean Air Act.

Sinabi ito ni Legarda matapos magbago ang  kalidad ng hangin sa Metro Manila at umabot na sa “very unhealthy” na antas matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

“Excessive fireworks celebrations across Metro Manila pose lots of risks, not only the safety of external body parts, but also to the lungs and nose because of the excessive amount of smoke released by burning gunpowder,” aniya.

“The Clean Air Act mandates the State to assure that the air we breathe in is safe, and is devoid of impurities that might pollute our respiratory systems,” dagdag pa ng senadora.

Ayon sa mga ulat, ilang lungsod sa Metro Manila ang nagtala ng nakaaalarmang antas ng polusyon sa hangin habang ang National Capital Region (NCR) ay nababalot ng makapal na ulap ng usok noong Miyerkoles ng umaga.

Ang Lungsod ng Maynila ay nagtala ng pinakamasama sa mga lokal na pamahalaan ng NCR na may Air Quality Index (AQI) na 218, na ikina­tegorya bilang “very unhealthy,” ayon sa data mula sa IQAir.

LIZA SORIANO