CLEARING OPERATIONS NG MMDA TULOY-TULOY

mmda

HINDI naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at  patuloy ang isinasagawang clearing operations sa ilang bahagi ng Metro Manila kahapon ng umaga partikular sa Quezon City, Pasay at Parañaque.

Base sa report ng MMDA, nasa 36 sasakyan at tricycle ang kanilang inisyuhan ng tiket  dahil nakaparada ang mga ito sa mga kalsada o sidewalk partikular sa Scout Borromeo Street sa Quezon City.

Gumawa na lang ng sariling diskarte ang mga tauhan ng MMDA para hindi mabasa ng ulan ang mga ticket  at ito ay kanilang inilagay sa mga maliit na plastic pouch bago ikabit sa mga windshield.

Isa ring diskarte na kanilang ginawa ay isa sa kanila ang nagpapayong sa kasamang nagsusulat sa kanilang paniket sa paglabag sa illegal parking.

Hindi nakatakas sa paniniket ang mga taxi driver na nakaparada sa gilid ng kalsada para maghintay ng mga pasahero sa Mother Ignacia Avenue.

Pinuntirya rin ng MMDA Clearing operation ang mga vendor na bumalik sa kalsada sa Libertad, Pasay City at Baclaran sa Paranaque City.

At kahit na galit ang mga vendor ay nagpatuloy  ang MMDA sa pagkumpiska sa kanilang mga paninda ngunit wala silang magawa at hindi na maibabalik sa kanila ang nakumpiska mga paninda.

Ayon kay Memel Rojas, pinuno ng Team Bravo ng MMDA Task force Special Operations, ang mga nakumpiskang paninda mula sa mga vendor ay hindi na maibabalik ito ay upang ang mga ito ay hindi na bumalik sa lansangan

“Hindi kami nagkulang ng paalala sa kanila na bawal na magtinda dito sa Baclaran at sa Pasay Taft, kaso marami tayong kababayan na hindi nagbi­bingi-bingihan,”  ani Rojas. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.