NANANAWAGAN ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa lahat ng barangay na nasasakupan nito na seryosohin ang clearing operations sa kanilang area.
Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, hindi siya magdadalawang isip na ipaaresto ang sinumang mangingialam o pipigil sa clearing operations na isasagawa sa lahat ng sulok at kalye sa lungsod.
Una nang naglabas ng memorandum ang Manila Barangay Bureau kaugnay sa Road Clearing Operations 2.0 na itinakda naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Umaasa ang alkalde na lahat ng Barangay Chairman at buong hanay ng kanilang konseho ay tatalima sa nasabing kautusan upang malinis ang buong Maynila.
Batay sa memo, dapat manguna ang lahat ng barangay tserman sa kanilang nasasakupan na magsagawa ng clearing operation. PAUL ROLDAN
Comments are closed.