CLEOPATRA PTOLEMY

Naging Reyna si Cleopatra ng Ehipto sa edad na 17 at nagpakamatay sa edad na 39 sa pag-aakalang namatay sa giyera si Mark An­thony. Nagpakamatay siya sa pama­magitan ng pagpapatuklaw sa cobra.

Nakapagsasalita, nakababasa, at nakasusulat si Cleopatra sa siyam (9) na lenggwahe. Kahit ang lenggwahe ng new and Ancient Egypt ay alam niyang basahin. Marunong din siya ng hieroglyphics, isang unique case sa kanyang dinastiya.

Bukod diyan, marunong din siyang magsalita ng Griyego dahil ang katotohanan ay sa Greece siya isinilang at lumaki — mula sa pamilya ng Ptolemy. Marunong din siya ng salitang Parthians, Hebrews, Medes, Troglodytes, Syrians, Ethiopians, at Arabs.

Dahil sa kanyang husay, halos lahat ng aklat ay kaya niyang basahin — at sa totoo lamang, napakahilig niyang magbasa kaya mas lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman.

Bukod sa kaalaman sa mga lenggwahe, nag-aral din siya ng geography, history, astronomy, international diplomacy, mathematics, alchemy, medicine, zoology, economics, at iba pang disiplina. Maituturing na isa siya sa pinakamatalinong taong nabuhay noong kanyang panahon. Maraming oras ang ginugol ni Cleopatra sa personal niyang laboratoryo sa pagtuklas ng mga halamang gamot at kosmetikong nakatutulong upang maging  mas maganda at kaaya-aya ang kababaihan. Marami siyang naisilat na mga aklat tungkol dito, ngunit sa kasamaang palad, naabo ang mga ito nang masunog ang napakalaking Library of Alexandria noong 391 AD. C.

Ilang physicist ang nagtangkang i-salvage ang mga sinulat ni Cleopatra, kung saan ang karamihan ay mga sarili niyang recipe ng mga sakit sa balat, pagkakalbo, at iba pa.

Kasama sa mga isinulat ni Cleopatra sa kanyang mga aklat ay mga beauty tips, ngunit hindi ito nakopyang mabuti ng mga physicists.

Bilang Queen of Egypt, naging interesado rinsiya sa herbal healing, at salamat sa husay niya sa mga lenggwahe, nagkaroon siya ng access sa napakaraming papyri, na wala na rin ngayon. Malaki ang impluwensya ni Cleopatra sa syensya at medisina kung tutuusin. Isa siyang kakaibang babaeng humubog sa kasaysayan at katauhan. Isa rin siyang babaing tapat kung umibig, na piniling mamatay kaysa tanggaping wala na ang kanyang minamahal. Kaya nga, “gapatuka na lang sya sa ahas!”

RLVN