CLIMATE CHANGE SUMMIT UMARANGKADA SA ISABELA

CLIMATE CHANGE-2

UMABOT sa mahigit 200 katao mula sa iba’t ibang bansa sa Asya ang lumahok sa tatlong araw na 1st  International Conference on Governance and Partnership and Technology Exhibition on Climate Change Adaption and Disaster Risk Reduction Management sa Cauayan City, ng nasabing lalawigan.

Nagsimula ang pulong noong  Oktubre 23 at magwawakas ngayong araw, Oktubre 25 sa F Dy Coliseum.

Ang lead convenor ay ang Isabela State University (ISU) System katuwang ang Taiwan at mga local partner tulad ng local government units (LGUs) at mga ahensiya ng pamahalaan.

Naging guest speaker si Sec. Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST) gayundin sina Dr. Renato Solidom, Director of Philippine Institute of  Volcanology and Seismology (PHILVOCS), Sec. Emmanuel De Guzman ng Climate Change Commission at mga plenary speaker ng Japan, Thailand at Vietnam, kabilang si City Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy, na siyang naging host sa kanilang siyudad.

Sinabi ni Dr. Rickmar Aquino, pangulo ng ISU system, na kasama nilang nagsagawa ng konsepto sa international conference ang National Taiwan Ocean University at National Taiwan University kasama ang Water Resource Agency ng Taiwan.

Marami sa mga representative ng Japan, Taiwan, Thailand at Vietnam ay mga plenary speakers para maibahagi nila ang kanilang mga teknolohiya na mayroon sa kanila at kanilang best practices na puwedeng ma-adapt sa Filipinas.

Katuwang nila ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela at pamahalaang lungsod ng Cauayan at Echague na sponsor sa conference at mga ahensiya tulad ng DOST, DA at iba pang partner agencies.

Inaasahan din ang paglagda ng kasunduan ng pamunuan ng Magat Dam at partner sa Taiwan, ang Shihmen Dam. IRENE GONZALES

Comments are closed.