CLINIC BINUKSAN SA NAVOTAS

PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa Navocare Community Rehabilitation and Physical Therapy Clinic sa Brgy. Tanza 1.

Sa clinic na ito, maaaring gamutin ang mga accommodate muscuskeletal cases tulad ng frozen shoulder, shoulder impingement, fractures, sprains at strains.

Maaari rin itong makapaghandog ng therapy para sa neurological cases gaya ng cardiovascular disease (CVD), Parkinson’s disease at cerebral palsy.

Ang nasabing barangay ay mayroon ding 3-in-1 health facility kung saan nakapaloob ang lying-in clinic, health center, at Tuberculosis Directly Observed Treatment, Short Course (TB-DOTS) center. Pormal itong binuksan noong Mayo nakaraang taon.

Ibinalita rin ni Mayor Tiangco na kasalukuyang itinatayo sa Brgy. San Jose ang isang medical hub na mag­hahandog din ng community-based rehabilitation and physical therapy.

Pinapalaki rin ng pamahalaang lungsod ang Navotas City Hospital para tumaas ang bed capacity nito at makapaghandog ng mas marami pang serbisyong medikal.  VICK TANES

Comments are closed.