CLINICAL TRIALS NG JANSSEN SA PINAS PINAYAGAN NA

JANSSEN

INAPRUBAHAN na ang COVID-19 vaccine clinical trials sa bansa ng Belgium-based Janssen Pharmaceuticals.

Magsisimula ang clinical trials sa loob ng linggong ito.

Ayon kay  ng Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña,  inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang hirit ng Janssen.

Target  na isagawa ang trial sites sa Metro Manila, La Paz, Iloilo, Bacolod City, San Pablo, Laguna.

Samantala, sa loob ng buwan ng Pebrero o sa Marso ay  maaaring makapagsagawa ng clinical trials sa bansa ang Chinese vaccine manufac-turers na Sinovac at Clover Biopharmaceuticals.

Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19  sa bansa habang inaasahang  simulan ang pagbabakuna sa loob ng first quarter ng 2021.

Comments are closed.