CLIPPERS, HAWKS TUMABLA SA 2-2

Clippers vs Jazz

SUMANDAL ang  Los Angeles Clippers sa malaking first quarter upang igupo ang Utah Jazz, 118-104, sa Game 4 ng kanilang NBA Western Conference semifinal series.

Umiskor sina Kawhi Leonard at Paul George ng tig-31 points habang nagdagdag si Marcus Morris Sr. ng tig- 24 markers upang pa­ngunahan ang No. 4-seed Clippers sa panalo.

Tabla ngayon ang  best-of-seven series sa 2-2.

Nagbuhos si Donovan Mitchell ng 37 points para pagbidahan ang No.1-ranked Jazz. Tumipa si Joe Ingles ng 19 at nag-ambag si Bojan Bog-danovic ng 18 para sa Utah.

Sa first quarter pa lamang ay lumayo na ang Clippers kung saan na-outscore nila ang  Jazz, 30-13. Halos mapantayan nina Leonard at Mor-ris ang output ng Utah bilang isang koponan, kung saan umiskor sina Leonard ng 12 at Morris ng 11 sa opening period pa lamang.

Binalewala ni Mitchell ang maagang pagkukumahog ng kanyang koponan sa pagkamada ng 17 points sa second quarter, subalit patuloy na umiskor ang Los Angeles, at pinalobo ang kanilang kalamangan sa  24, 68-44, sa half.

HAWKS 103,

SIXERS 100

Binura ng Atlanta Hawks ang malaking first half deficit upang matakasan ang Philadelphia 76ers, 103-100, at maipatas ang kanilang NBA Eastern Conference semifinal series.

Tumirada si Trae Young ng game-highs na 25 points at 18 assists at nagbigay ng key points sa krusyal na sandali para sa No. 5-seed Atlanta.

Ang Hawks at ang No. 1-seeeded 76ers ay tabla ngayon sa 2-2 sa best-of-seven series.

Nagdagdag si Bogdan Bogdanovic ng 22 points habang kapwa kumana sina John Collins (14 points at 12 rebounds) at Clint Capela (12 points at 13 boards) ng double-doubles sa panalo.

Abante ang Philadelphia ng double-digits sa half, 62-49, bago nag-rally ang Atlanta sa third quarter kung saan na-outscore nila ang Sixers, 31-20.

Tumapos si Philadephia star center Joel Embiid  na may 17 points lamang subalit kumalawit ng 21 rebounds sa laro. Umiskor siya ng 39, 40 at 27 points sa unang tatlong laro ng series.

Nanguna si Tobias Harris para sa 76ers na may 20 points.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *