NAGBUHOS si Kawhi Leonard ng 45 points at nagdagdag si Reggie Jackson ng 25 upang tulungan ang Los Angeles Clippers sa 104-97 panalo laban sa host Dallas Mavericks at maipuwersa ang Game 7 sa first-round Western Conference playoff series.
Umiskor si Paul George ng 20 points at kumalawit ng 13 rebounds para sa Clippers na nag-rally mula sa seven-point deficit sa third quarter, at naiganti ang pagkatalo sa home sa Game 5 upang maipatas ang serye sa 3-3.
Ang lahat ng anim na laro sa series ay napagwagian ng road team sa unang pagkakataon sa NBA playoff history.
Tumipa si Luka Doncic ng 29 points na may 11 assists para sa Mavericks, na muling magtatangkang umabante sa Linggo sa Los Angeles.
Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 23 points para sa Dallas, na sisikaping maiganti ang first-round defeat sa Clippers sa playoffs noong nakaraang season.
Humataw si Leonard sa elimination game ng Clippers sa pagkamada ng series-high. Nagtala siya ng 18 of 25 mula sa field, na isa ring high para sa shot attempts sa series, at 5 of 9 mula sa 3-point range.
Nagkasya si Doncic sa pagiging ball distributor, kung saan nagtala siya ng double digits sa assists sa third quarter. Tumipa lamang siya ng 17 points, may limang minuto ang nalalabi, makaraang tumirada ng 42 points sa Game 5.
Angat ang Clippers sa 90-88 at mahigit tatlong minuto na lamang ang nalalabi, kumana si Leonard ng isang long jumper, na sinundan ng magkasunod na 3-pointers sa decisive stretch at umangat ang Los Angeles sa 99-90, may 1:41 sa orasan.
Umabante ang Mavericks sa 77-73 sa simula ng fourth quarter bago kinuha ng Clippers ang trangko, 90-85, may 5:03 ang nalalabi, sa dunk ni Nicolas Batum. Sinundan ito ni Doncic ng isang 3 -pointer, ang kanyang una sa laro, may 4:41 sa orasan.
Naging susi sa panalo ng Clippers ang depensa kung saan nalimitahan nito ang Mavericks sa 41.6 percent shooting para sa laro at 29.2 percent (7 of 24) sa fourth quarter.
413122 1874I definitely did not realize that. Learnt something new correct now! Thanks for that. 606014