TUMABO si Kawhi Leonard ng 36 points at kumalawit ng 11 rebounds upang pangunahan ang panalo ng Los Angeles Clippers laban sa host Dallas Mavericks, 110-107, noong Martes ng gabi.
Gumawa si Leonard ng hindi bababa sa 30 points sa ika-6 na sunod na laro. Nagdagdag si Landry Shamet ng 18 points at tumipa si Lou Williams ng 16 mula sa bench para sa Clippers. Naitala ni Montrezl Harrell ang lahat ng kanyang 12 points sa second half.
Nagbuhos si Luka Doncic ng 36 points, 10 rebounds at 9 assists para sa Mavericks, na naputol ang four-game winning streak. Nagtala si Tim Hard-away Jr. ng 13 points, habang nag-ambag si dating Clipper Boban Marjanovic ng 12 points at 7 boards.
Tumapos si Kristaps Porzingis, bumalik makaraang lumiban sa 10 games dahil sa right knee soreness, na may 10 points sa 4-of-17 shooting at 1 of 8 sa 3-pointers.
Lumapit ang Dallas sa 108-105 subalit sumablay si Hardaway sa isang 3-pointer, may 16.1 segundo ang na_lalabi. Nagmintis si Doncic sa una sa dalawang free throws, may 7.4 segundo ang nalalabi, at sinadyang isablay ang ikalawa ngunit nakuha ni Leonard ang rebound at naipasok ang pares ng foul shots, may anim na segundo sa orasan.
Lumamang ang Clippers ng hanggang 14 sa third quarter bago tinapyas ng Mavericks ang deficit sa 67-64 matapos ang 3-pointer ni Hardaway, may 7:08 ang nalalabi sa quarter. Gayunman, isang 10-2 surge ng Los Angeles ang muling nagpalobo sa kalamangan sa double digits.
Abante ang Clippers sa 82-78 papasok sa fourth.
Na-outscore ng Clippers, bumanat ng 16-0 burst sa second quarter, ang Mavericks, 27-10, sa huling anim na minuto ng half para sa 60-49 bentahe sa break.
Comments are closed.