NAIPASOK ni Luke Kennard ang isang four-point play, may 1.9 segundo ang nalalabi, at nalusutan ng bisitang Los Angeles Clippers ang 35-point deficit upang maitakas ang116-115 panalo kontra Washington Wizards, Martes ng gabi.
Ang resulta ay pumantay sa second-largest comeback sa NBA history, nang makaahon ang Sacramento Kings sa 35-point hole laban sa Chicago Bulls noong Dec. 21, 2009. Ang record ay nang burahin ng Utah Jazz ang 36-point deficit upang gapiin ang Denver Nuggets noong Nov. 27, 1996.
Tangan ng Wizards ang 115-109 lead, may 11.2 segundo ang nalalabi, bago tinapyas ni Kennard ang deficit sa isang 3-pointer. Tinawagan si Washington’s Kyle Kuzma ng five-second inbound violation, at isinalpak ni Kennard ang isang 3-pointer habang na~foul ni by Bradley Beal. Ipinasok ni Kennard ang sumunod na foul shot upang ibigay sa Los Angeles ang unang kalamangan nito sa laro at ang hindi inaasahang panalo.
Umiskor si Amir Coffey ng 29 points at tumapos si Kennard na may 25 mula sa bench at umangat ang Clippers sa 2-2 sa kanilang eight-game road trip. Nakakolekta si Beal ng 23 points at 9 rebounds at nagdagdag si Kuzma ng 19 at 12, ayon sa pagkakasunod para sa Wizards, na nalasap ang ika-4 na sunod na pagkatalo.
LAKERS 106, NETS 96
Nagbuhos si LeBron James ng 33 points, 7 rebounds at 6 assists upang pangunahan ang Los Angeles sa panalo laban sa Brooklyn sa New York.
Umabante ang Lakers para sa final 37:45, umangat sa 2-1 sa kanilang six-game road trip at nagbalik si Anthony Davis makaraang lumiban ng 17 games dahil sa sprained medial collateral ligament sa kaliwang tuhod. Tumapos siya na may 8 points sa 25 minutong paglalaro. Ang Lakers ay 7-10 noong wala siya.
Kumana si James Harden ng triple-double na 33 points, 12 rebounds at 11 assists, subalit hindi ito sapat para maisalba ang Nets na nahulog sa 2-3 buhat nang hindi maglaro si Kevin Durant dahil sa sprained left knee noong Jan. 15.
CELTICS 128, KINGS 75
Nagtala sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng pinagsamang 66 points nang payukuin ng host Boston ang Sacramento para sa kanilang ika-7 panalo sa 10 laro.
Tumapos si Tatum na may game-high 36 points at 6 assists, habang nagdagdag si Brown ng 30 points at 10 rebounds. Umiskor si Robert Williams III ng 13 at kumalawit ng game-high 17 rebounds.
Si Buddy Hield ang tanging scorer na nagtala ng rdouble figures para sa Kings, sa kinamadang 11 points sa 4-of-14 shooting. Nalasap ng Sacramento ang ika-4 na sunod na kabiguan at ila-9 sa 11 overall.
Sa iba pang laro ay dinurog ng Warriors ang Mavericks, 130-92; pinataob ng 76ers ang Pelicans, 117-107; naungusan ng Timberwolves ang Trail Blazers, 109-107; nadominahan ng Nuggets ang Pistons, 110-105; ginapi ng Raptors ang Hornets, 125-113; at pinabagsak ng Spurs ang Rockets,134-104.