CLIPPERS NO. 2 SEED SA WEST

KINUHA ng Los Angeles Clippers ang No. 2 seed sa  Western Conference matapos ang 124-111 panalo laban sa Denver Nuggets sa Walt Disney World complex kahapon.

Naghabol ang Clippers, 92-90, papasok sa final quarter, subalit na-outscore ang Nuggets, 34-19, sa deciding frame upang kunin ang panalo.

Isang layup ni Lou Williams, may 9:50 ang nalalabi, ang nagbigay sa Clippers ng 95-94 bentahe at hindi na lumingon pa.

Nanguna si Paul George para sa Clippers na may 27 points, habang nagdagdag sina Kawhi Leonard ng 26 at  Williams ng  23 points at 7  assists mula sa bench.

Bilang second seed, makakasagupa ng Clippers ang  Dallas Mavericks sa first round ng NBA playoffs.

Samantala, kukunin ng Nuggets ang third seed at naisaayos ang first round match-up sa Utah Jazz.

Nagbida si Jerami Grant para sa Denver na may  25 points mula sa  bench, habang nagtala si Nikola Jokic ng 17 points at 13 assists sa loob lamang ng 28 minutong paglalaro.

THUNDER 116,

HEAT 126

Nalamangan ang  Oklahoma City Thunder ng 22 points ngunit nakakuha ng dalawang clutch three-pointers mula kay  Mike Muscala upang gulantangin ang Miami Heat sa kanilang penultimate seeding game.

Abante ang Miami sa 104-82 sa kaagahan ng  fourth quarter, subalit nalimitahan sila ng depensa ng Thunder sa 11 points sa huling 10 minuto ng laro upang maitakas ang come-from-behind victory.

Isang triple ni Muscala, may 35 segundo sa orasan, ang nagtabla sa laro sa 113, at makaraang ibalik ni Solomon Hill ang kalamangan ng Heat sa pamamagitan ng layup, nagpakawala si Muscala ng game-winner, may 5.2 segundo na lamang ang nalalabi.

RAPTORS 125,

76ERS 121

Umiskor si Stanley Johnson ng game-tying layup at ng winning basket sa huling 30 segundo, at sumandal ang Toronto Raptors sa kanilang reserves upang gapiin ang Philadelphia 76ers.

Ang clutch sequence ni Johnson sa fourth quarter, kasama sina  rookie teammates Paul Watson at Dewan Hernandez ay dumating kahit naglaro sila ng kabuuang18 minuto laban sa Philadelphia.

Ang Sixers ay abante sa 111-101, may 6:27 ang nalalabi, nang manalasa ang Toronto.

Umiskor si Hernandez ng anim na sunod na puntos at nagbigay ng assist sa 3-pointer ni Matt Thomas at isang bucket ni Watson ang nagbigay sa Raptors up 119-118 kalamangan.

Comments are closed.