CLIPPERS, SIXERS TUMABLA

CLIPPERS

NAISALPAK ni Landry Shamet ang isang go-ahead 3-pointer, may 16.5 segundo ang nalalabi, na nagselyo sa historic rally mula sa 31-point deficit noong Lunes ng gabi at ibigay sa Los Angeles Clippers ang 135-131 panalo laban sa Golden State Warriors sa Game 2 ng kanilang Western Conference first-round playoff series sa Oakland, Calif.

Tabla ang serye sa 1-1, ang best-of-7 ay lilipat sa Los Angeles para sa Game 3 sa Huwebes ng gabi, habang ang Game 4 ay gaganapin din sa Staples Center sa Linggo.

Ang come-from-behind win ang pinakamalaki magmula nang simulang idokumento ng NBA ang naturang kaganapan noong 2000.

Bukod sa paglasap sa unang talo sa kanilang huling walong playoff games, nawala rin sa Warriors si center DeMarcus Cousins dahil sa posibleng serious left quad injury sa first quarter.

Si Cousins, naglalaro sa ikalawang playoff game pa lamang sa kanyang  career, ay nakatakdang sumailalim sa MRI exam sa Martes.

Sa late flurry ni Stephen Curry sa second quarter at 9-for-9 shooting sa pagsisimula ng third period,  naitarak ng Golden State ang 94-63 kalamangan at tila patungo na sa 2-0 bentahe matapos ang 121-104 panalo sa series opener noong Sabado.

Gayunman, humabol ang Clippers sa likod ni Lou Williams, una ay gamit ang franchise-record 44 points sa third quarter upang makalapit sa 108-94, pagkatapos ay sa pamamagitan ng walang humpay na offensive pressure upang ilagay ang kanilang sarili sa posisyon na manalo sa mga huling segundo.

Tumapos si Williams na may game-high 36 points, kabilang ang isang clutch jumper laban kay Klay Thompson, may 46 segundo ang nalalabi, makaraang ilagay ni Curry ang Golden State sa 131-128 kalamangan sa isang 3-pointer sa huling 12.1 segundo.

Tumipa si Curry ng 29 points para sa Warriors, kabilang ang 11 sa final 2:43 ng first half, kung kailan napalobo ng Golden State ang 13-point lead sa 73-50 sa halftime.

Natalo ang Warriors sa kabila ng pagbuslo ng 53.3 percent mula sa field.

Samantala, nakontrol ng Philadelphia 76ers ang 51-point third quarter, nagtala ng team record para sa points sa isang quarter at isang  playoff game, at naipatas ang kanilang first-round series sa 1-1 sa pamamagitan ng 145-123 panalo laban sa bumibisitang Brooklyn Nets noong Lunes ng gabi.

Nakatakda ang Game 3 sa Huwebes sa New York.

Nakalikom si Joel Embiid ng 23 points at 10 rebounds upang ­pangunahan ang Philadelphia. Sa ikalawang sunod na laro, si Embiid ay game-time decision dahil sa lingering tendinitis sa kanyang kaliwang tuhod, subalit naglaro siya sa parehong games.

Nag-ambag si Ben Simmons ng kanyang ikalawang career postseason triple-double na may 18 points, 12 assists at 10 rebounds.

Sinamahan niya sina Wilt Chamberlain at Charles Barkley bilang tanging  Sixers na nagtala ng multiple triple-doubles sa playoffs.

Nagdagdag sina Tobias Harris ng 19 points, JJ Redick ng 17, reserve center Boban Marjanovic ng 16 at Mike Scott ng 15 para sa Philadelphia, na bumuslo ng 56.1 percent mula sa floor.

Comments are closed.