NAGBUHOS si Kent Bazemore ng season-high 23 points mula sa bench, habang nagdagdag sina De’Aaron Fox at Bogdan Bogdanovic ng tig-20 points nang igupo ng Sacramento Kings ang host Los Angeles Clippers, 112-103, noong Sabado.
Tumipa si Harry Giles III ng 14 points at 12 rebounds, at nag-ambag si Harrison Barnes ng 13 points para sa Sacramento. Gumawa si Nemanja Bjelica ng 10 points at kumalawit ng 7 rebounds. Nagtala si Fox ng team-high eight assists para sa Kings, na nanalo ng lima sa kanilang huling pitong laro.
Umiskor si Kawhi Leonard ng 31 points at humugot ng 8 rebounds para sa Clippers, na nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan. Tumapos si Lou Williams na may 24 points at kumamada si Montrezl Harrell ng 16 points at 10 rebounds mula sa bench para sa Los Angeles.
Naglaro ang Clippers na wala sina Paul George (hamstring) and Patrick Beverley (groin).
HAWKS 111,
MAVERICKS 107
Napantayan ni John Collins ang kanyang career high na may 35 points at naitala ni Trae Young ang 13 sa kanyang 25 points sa fourth quarter upang tulungan ang host Atlanta Hawks na malusutan ang 11-point deficit sa period at gapiin ang kulang sa taong Dallas Mavericks.
Si Young, humataw ng 50 points noong Huwebes, ay nanahimik hanggang sa gumawa ng ingay sa final quarter. Ang kanyan driving layup sa huling 57.5 segundo ng laro ang nagbigay sa Atlanta ng 109-107 kalamangan tungo sa panalo.
Sa iba pang laro, pinaso ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers, 124-105; binomba ng Houston Rockets ang Utah Jazz, 120-110; nilambat ng Brooklyn Nets ang Charlotte Hornets, 115-86; at pinadapa ng Milwaukee Bucks ang Philadelphia 76rs, 119-98.
Comments are closed.