CLIPPERS UNGOS SA CELTICS

Clippers

LOS ANGELES – Nagbuhos si Lou Williams ng  27 points, nagtuwang sina Kawhi Leonard at Paul George para sa 42 points sa kanilang unang laro na magkasama sila sa Clippers, at humabol ang Los Angeles upang maungusan ang Boston Celtics, 107-104, sa over-time noong Miyerkoles ng gabi.

Umiskor si George ng  25 points at nagdagdag si Leonard ng 17 at nasupalpal ang potential tying 3-point attempt ni Kemba Walker matapos na hindi sila makapaglaro dahil sa  injury at  rehab sa parehong game sa unang 14 laro ng season.

Umangat ang Clippers sa 19-1 sa home makaraang burahin ang 10-point deficit sa fourth.

Nanguna si Jayson Tatum para sa  Cel­tics na may 30 points at nag-ambag sina Marcus Smart at Brad Wana­maker ng tig-14.

Naipasok ni Williams ang go-ahead 3-pointer, may 31 segundo ang nalalabi sa regulation. Matapos ang timeout, naisalpak ni Tatum ang isang 3-pointer upang itabla ang iskor sa 97-all, may 13 se­gundo ang nalalabi.

MAVERICKS 142, WARRIORS 94

Naitala ni  Luka Doncic ang 33 sa kanyang 35 points sa first half upang tulungan ang Dallas na pulbusin ang kulang sa taong  Golden State.

Ang second-year star mula sa Slovenia ay gumawa ng  22 points, 5 assists at 5 rebounds sa first quarter pa lamang. Naglaro siya sa loob lamang ng 25 minuto ngunit nagawa pa ring kumalawit ng 10 rebounds at magbigay ng 11 assists.

Si Doncic  ay galing sa 40-point triple-double noong Lunes ng gabi kontra San Antonio, at kumana ng NBA-best seven triple-doubles sa 14 games ngayong season.

Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 20 para sa Dallas. Tumipa si Kristaps Porzingis ng 14 points at  10 rebounds para sa kanyang fourth-straight double-double.

Nagbida si Eric Paschall sa Warriors na may  22 points.

NUGGETS 105, ROCKETS 95

Tumabo si Nikola Jokic ng 27 points at 12 rebounds, naglatag ng matinding depensa ang Denver kay James Harden, at pinutol ng Nuggets ang eight-game winning streak ng Houston.

Gumawa si Harden ng 27 points, at natapos ang kanyang walong sunod na laro na may 36 o higit pa. Nagtala siya ng 8 of 16 mula sa floor at nalimitahan ang Rockets sa under 100 points sa unang pagkakataon ngayong  season.

Umiskor si Russell Westbrook ng 25 points sa 8-of-22 shooting para sa Houston, at humugot si  Clint Capela ng 21 rebounds.

Sa iba pang laro, ginapi ng 76ers ang Knicks, 109-104; ibinasura ng Raptors ang Magic, 113-97; namaya-ni ang Bucks sa Heat, 135-127; pinaamo ng Jazz  ang Timberwolves, 103-95; pinadapa ng Wizards ang Spurs, 138-132; nilambat ng Nets ang Hornets, 101- 91; at sinuwag ng Bulls ang Pistons, 109- 89.

Comments are closed.