CLIPPERS UNGOS SA WARRIORS

ISINALPAK ni Paul George ang game-winning three-pointer at humabol ang Los Angeles Clippers mula sa  22-point third-quarter deficit upang gulantangin ang Golden State Warriors, 113-112, nitong Sabado.

Tumapos si George na may game-high 25 points, 11 ay nagmula sa  fourth quarter, nang sa wakas ay bigyan niya ang Clippers ng kalamangan, may 9.9 segundo ang nalalabi, makaraang umiskor mula sa arc laban kay Klay Thompson.

“It felt good as soon as I released it,” sabi ni George, na nagdagdag ng rebounds at 6 assists. “I got a good look at the basket, thank God it went in.”

May huling pagkakataon ang Warriors, ngunit sumablay si  Draymond Green sa three-point attempt sa buzzer.

Sinabi ni George na ang paghahabol nila ay partikular na makabuluhan laban sa potentially potent offense ng Warriors.

“They can put points up so quick,” aniya. “The fact we were able to come back, it just shows a lot — this group is ready to fight and play all the way until the end.”

Nagdagdag si James Harden ng  21 points at kumabig si Kawhi Leonard ng 20 para sa Clippers, na nalusutan ang 17 three-pointers ng  Warriors.

Umiskor si Stephen Curry ng  22 points at nagbigay ng 11 assists para sa Golden State.

Bucks 132,

Hawks 121

Humataw si Giannis Antetokounmpo ng triple-double na una niya sa season — 32 points, 11 rebounds at 10 assists — upang tulungan ang Milwaukee Bucks na pataubin ang Atlanta Hawks.

Ang laro ay tinampukan ng  17 lead changes.

Nagdagdag si Damian Lillard ng 25 points at 9 assists para sa Bucks.

Tabla ang talaan sa 114-114, wala nang anim na minuto sa orasan, ngunit na- outscore ng Bucks ang  Hawks, 18-7,  sa mga natirang oras.