CLOE BARRETO MAPANGAHAS SA BAGO NYANG MOVIE

NAGKAROON ng Storycon ang bagong movie na gagawin ni Sexy Actress na si Cloe Barreto na may pamagat na TAHAN under 316 Media Network Production.

Maraming nagtanong kung may mga love scenes din siya tulad ng una niyang movie na SILAB na super dami ang frontal nudity. Sagot naman ni Cloe, maganda ang script kaya agad niya itong tinanggap.

“Nung sinabi pa lang sa akin ang kwento, na-excite na agad ako,” aniya. “Lalo pa ‘nung nabasa ko na, sobrang ganda. Kaya lang, ang daming love scenes. Kaya mas titindihan ko pa ang mga eksena dito. Abangan nyo lang.”

Si JC Santos ang kanyang isa sa leading man. Sure na sure na may mga sexy scenes sila ni JC. Hindi ba siya nagdalawang isip na si JC ang makakapartner nya?

“Nun sinabi nga ni Nanay Len ang aming manager na si JC Santos ang makakasama ko, kumabog ang dibdib ko. Kasi hinahangaan ko yan si JC at pinapanood ko ang mga pelikulang ginawa nya. Grabe ang tuwa ko na siya ang makakasama ko. Magaling na aktor si JC at alam kong maayos siya katrabaho,” ani Cloe.

Gaganap na Nanay ni Cloe si Jacklyn Jose. Alam naman nating napakahusay ni Jacklyn. Hindi ba siya natatatkot na si Jacklyn ang gaganap na nanay nya sa movie?

“Actually, sobrang kinakabahan ako. Idol ko si Ms. Jacklyn. Baka magkamali ako sa pag dialogue kasi baka mailang ako sa kanya. Sobrang sikat na sikat siya tapos ako, baguhan pa lang, pero gagawin ko po ang lahat para kahit papano ay maitawid ko ang eksena ko kay Ms Jacklyn. ”

Inamin naman ni JC Santos na gusto na niyang mag quit sa Showbiz. Gusto na daw niyang mangibang bansa. Wala raw gaanong projects na pumasok mula nang mag-pandemic. Pero naudlot ang pag-alis niya dahil inialok nga sa kanya ang TAHAN na siya ang leading man. Hindi raw niya matanggihan ang project na ito dahil maganda ang material.

Medyo payat si JC sa zoom storycon. Hindi siya pumunta ng live dahil takot pa din siyang lumabas or baka may iba pa siyang ginagawa.