Cloe Loque, teen entrep

Noong 2019, binuksan ng 15-year old na si Cloe Loque ang Hiraya Filipina, isang women-oriented lifestyle brand na maraming produkto. Meron silang statement shirts, abaca masks, tote bags at marami pang iba. Mula noon, naging popular na ito sa online selling platforms.

Sa ngayon, 19 years old na si Cleo, at ang pinakabatang naging founder at CEO ng Hiraya Filipina. Bukod sa pagiging entrepreneur, isa rin siyang content creator, at studyanteng nag-aaral ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa Enderun Colleges.

Mga Filipino at turista of all ages ang target market ng Hiraya Filipina, na nais makaranas ng ganda ng kultura ng Pilipinas. Bukod dyan, kapag nagtungo sila sa physical store, makakadiskubre sila at matututo ng mga bagong bagay tungkol sa kultura ng Pilipinas.

Sobrang sikat at kakaiba talaga si Cloe kaya masasabing isa na rin siyang star, at heto, naka-feature sya sa ating starpreneur. NLVN