Ni Ronnie Fernando/Photos by JANET OCAMPO & ROSEL MANGAHAS
May kwento ako. Kwentong kahit ako, hindi ko mapaniwalann, ngunit totoong nangyari.
Noong February 15, 2024 habang nagsasagawa kami ng medical mission, isang pangyayaring hindi inaasahan ang naganap. Ewan. Marahil, dahil sa sobrang init ng panahon, o baka sa sobrang pagod na rin dahil sa dami ng tao, bigla akong nahilo at bumagsak. Nanlabo ang aking paningin, kinapos ako ng hininga, at nagdilim ang paligid.
Alam ko ang nagyayari. Gising ang aking kaluluwa. May naririnig akong tinig na tumatawag sa pangalan ko, na nagsasabing sumunod ako sa kanya, ngunit dahil sa sadyang may katigasan ang aking ulo, I said no “NO.” Hindi ko siya kilala, kaya bakit ako susunod sa kanya.
Matapos akong tumanggi, nagising akong nasa ospital na pinalilibutan ng aking mga kasamahan, duktor at nars, ngunit hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin maigalaw ang kaliwang bahagi ng aking katawan. Idineklara ng attending doctor na si Dr. Trinidad na may sintomas ako ng stroke, kaya inirekomenda niyang isugod ako sa Philippine Heart Center, kung saan mas maganda ang mga kagamitan, kumpara sa maliit na ospital kung saan ako unang dinala.
Habang binabaybay ng ambulansya ang mga daan patungong Heart Center, naalala ko ang aking matandang ina. Wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari sa akin. Matanda na siya at ayokong mag-alala siya. Baka makasama ito sa kanyang kalusugan. To marahil ang dahilan kaya pinilit kong lumaban upang mabuhay. Sa wakas, naigalaw ko ang aking kamay. Mahirap, pero pinilit ko.
Nang makarating kami sa PHC, agad kong ipinakita sa kanilang aigagalaw ko na ang aking kamay.
Alam kong hindi ako mamamatay – para kay nanay.
Isa raw itong Milagro. Kahit ang mga duktor ay hindi makapaniwalang sa maikling panahon ay naka-recover ako, dahil matindi raw ang aking naging atake, na maaaring ikamatay ng iba, o ikaparalitiko ng nakakaligtas. Oo, Milagro lataga. Salamat sa Diyos, at salamat din sa aking ina.
Habang nakahiga sa kama ng ospital na may nakasaksak na suwero at kung anu-anong monitor machines, nagkaroon ako ng pagkakataong isipin kung sino ang tinig na tumawag sa aking pangalan noong kasalukuyang nag-aagaw-buhay ako. Si Kamatayan kaya? Ang Grimm Reaper?
Ang tagapagdala ng mga kaluluwa kung saan man sila dapat mapunta? Binalak niya akong kunin pero tumanggi ako. Pwede pala yon? Pwede mo palang tanggihan ang kamatayan. Ito ang isa sa pinakamadilim na bahagi bg aking buhay. Marami na akong naranasang pagsubok, at masasabi kong hindi basta pagsubok ang aking mga naranasan, ngunit nalampasan kong lahat iyon. Hindi ko rin inaasahang malalampasan ko ang aking near-death experience, ngunit siguro, may misyon pa ako sa mundo. At siguro din, gusto lamang ipaalam ng Diyos sa akin na hindi pala ako nag-iisa.
May mga kaibigan pala akong agmamalasakit at handang tumulong.
Alam kong nag-iisa ako. Matandang Binatang masasabi sa edad na 54. Ang tanging alam kong tunay na nagmamahal sa akin ay ang may sakit kong ina, na matanda na rin. Pero sa pagkakataong ito, matapos kong mmuntik makaharap si Kamatayan, napagtanto kong may mga totoong kaibigan din palang handang tumulong na walang hinihintay na kapalit. Kung totoong may afterlife at reincarnation, pangako, sa susunod kong buhay, magiging kaibigan pa rin ninyo ako.