CLOSE FISHING SEASON SA TAWILIS IPATUTUPAD NA SA PEBRERO – BFAR

FISHING

INIHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na dapat nang maipatupad ang close-fishing season sa tawilis bago mag-Marso kasunod ng ulat na endangered o nauubos ito sa Taal Lake.

Sa isang panayam, nanindigan si BFAR Usec Eduardo Gongona na nauubos na talaga ang tawilis.

Katunayan aniya, sa nakalipas na sampung taon, may record sila na bumaba ang tawilis production sa bansa.

Irerekomenda ng BFAR sa Department of Environment and Natural Resources na sa Pebrero pa lang ay ipatupad na ang fishing ban.

Tiniyak naman ni Gongona na aayudahan ng gobyerno ang mga ma­ngingisdang mawawalan ng ha­napbuhay dahil sa close-fishing season.

Comments are closed.