BAWAL mangisda sa Davao Gulf mula Hunyo hanggang Agosto 31, ito ang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Davao Region.
Sa report, nanawagan ang BFAR sa mga mangingisda sa Davao Gulf na huwag munang mangisda sa loob ng tatlong buwan upang hindi mahuli ang maliliit na isdang may posibilidad pang lumaki.
Nagpadala na rin sila ng law enforcers na siyang magbabantay sa Davao Gulf laban sa mga ilegal na mangingisda sa nasabing lugar sa panahon ng close fishing season.
Sa nasabing panahon, ipinagbabawal ng BFAR Region 11 ang paggamit ng bag nets at mga net na may maliliit na butas at tanging fish line fishing lamang ang papayagan.
Siniguro naman ng BFAR na mabibigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang maaapektuhang mga mangingisda habang ipinatutupad ang closed fishing season. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.