INALIS na ng Makati government ang closure order nito laban sa Smart Communications na ang main office ay matatagpuan sa lungsod.
Ayon sa telco, ang desisyon ng pamahalaang lungsod ay kasunod ng pagsusumite ng Smart ng accounting records nito, na nagresulta sa pagkakaroon ng compromise agreement ng magkabilang partido.
Ang kasunduan ay nilagdaan noong Huwebes, March 2.
Sinabi ng kompanya na nakasaad sa kasunduan ang mga termino ng settlement ng kanilang nakabimbing local taxation issues.
“Smart remains committed to complying with Makati City’s local tax ordinances, and with relevant national laws, applicable in respect of local taxation, and thanks the Makati LGU for its prompt action to resolve the matter,” ayon pa sa Smart.
Noong Lunes ay pinadlak ng pamahalaang lungsod ang main office ng Smart dahil sa umano’y hindi nito pagbabayad ng P3.2 billion na buwis at sa kawalan ng business permit.
CNN PHILIPPINES