CLOTHMASK, HINDI EPEKTIBO LABAN SA MGA VIRUS–MEDICAL EXPERT

CLOTH MASK

PINAALALAHANAN ng mga doktor ang mga mamamayan na may kani-kaniyang gamit ang mga facemask na ngayon ay nagkakaroon na ng shortage sa merkado.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Dr. Edsel Maurice Salvana, director ng Molecular Biology and Biotechnology National Institute of Health and Molecular Technology sa University of the Philippines, na hindi epektibong pangontra laban sa 2019 NCoV ARD ang clothmask na nabibili sa mga bangketa dahil hindi naman nito nasasala ang mga virus at bacteria sa hangin.

Tanging mga doktor lamang din aniya ang maaa­ring gumamit ng N95 facemask.

Sabi pa ni Dr Salvana, may sistema rin ng paggamit sa N95 mask lalo na kailangang saradong-sarado o hindi mapapasok ng hangin.

Paliwanag pa nito na  surgical mask lamang o regular na facemask ang maaaring gamitin laban sa virus o bacteria ngunit kailangang sundin ang tamang paggamit nito na dapat ay nakalabas ang kulay asul dahil ito ang bahagi na nagtataglay ng water repellant habang absorbent naman ang kulay puti na dapat ay nasa loob.

Kapag nagamit na ay dapat itapon at huwag na uulitin ang paggamit ng face mask. GINA MAPE

Comments are closed.