QUEZON CITY – KINAKAILANGAN pa umanong pag-aralan nang mabuti ang cloud seeding bago ito irekomenda bilang solusyon sa nararanasang matinding init.
Ito ang pahayag ni Department of Agriculture Bicol spokesperson Emily Bordado, na aniya’y itinuturing na last resort ang cloud seeding kung malala na ang sitwasyon.
Malaking pera rin aniya ang kinakailangan para sa hakbang at kung minsan, hindi tumpak o accurate dahil nagdedepende ito sa presensya ng rain cloud o density ng ulap.
Maliban pa rito, sinabi ni Bordado na may downside effects din ang hakbang kung saan posibleng maapektuhan ang ibang mga tanim lalo na ang mga namumulaklak na mangga.
Posible rin umanong bumitak ang mga tanim na pakwan dahil sa pag-spray ng tubig na may asin.
Samantala, isinasailalim sa validation at consolidation ang mga ipinasang damage report ng bawat munisipyo na ipapadala naman sa central office upang maging basehan ng gagawing intervention. BENEDICT ABAYGAR JR.
Comments are closed.