CLOUD SEEDING, MAGASTOS AT HINDI EASY JOB –NDRRMC

CLOUD SEEDING

CAMP AGUINALDO- NILINAW ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Director Edgar Posadas na hindi simpleng trabaho ang pagtatanim ng asin sa ulap o cloud seeding na tinukoy na solusyon para mapahupa ang nararanasang dry spell bunsod ng El Niño phenomenon.

Paliwanag ni Posadas na maraming factors ang dapat na ikonsidera sa cloud seeding, o ang proseso kung saad ibinubuhos ang asin sa mga ulap para magresulta sa pag-ulan.

Isa aniya na dapat na ikonsidera ang presensya ng mga “seedable clouds” o iyong maaring “pagtaniman” ng gagamiting asin, gayundin ang availability ng eroplano.

Pero iginiit ni Posadas na may nakatakda nang cloud seeding schedules mula noong Marso 14 hanggang Mayo 21.

Aabot naman aniya sa P18.3 milyon ang pondong kakailanganin para sa mga operasyon na ito, na huhugutin naman mula sa pondo ng Department of Agriculture (DA).

Samantala, sinabi ng National Irrigation Administration na ang cloud seeding ay dapat maging “last resort” lamang sa pagresolba sa problemang hatid ng tagtuyot sapagkat napakamahal ngang proseso ito at dependent din sa napakaraming factors upang ito ay maging successful.

Batay sa huling situation report ng NDRRMC na inilabas noong Marso 16, papalo na sa P869 milyon ang danyos na naitala dahil sa El Niño.      AIMEE ANOC

Comments are closed.