CLOUD SEEDING WA EPEK SA MABABANG LEBEL NA DAMS

CLOUD SEEDING

AMINADO ang ilang eksperto mula sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) na walang katiyakan ang epekto ng cloud seeding upang punan ang bumabang lebel ng tubig sa ilang dam na nagsu-supply sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Pagasa hydrologist Sonia Serrano ang dahilan kung bakit manipis pa sa nga­yon ang tiyansa na tumalab ang cloud seeding sa imbak na tubig ng mga dam.

Aniya, “maganda sanang solusyon ‘yung cloud seeding, ang (concern) lang natin kung may magandang shock cloud na puwedeng paggamitan (ng cloud seeds). As of now malinis ang ka­ulapan natin. ‘Yung target area rin na Metro Manila, kailangan din doon bu­magsak ‘yung ulan.”

Sinabi pa ng eksperto na kailangan  ang clouds ay salable para makapag buo ng ulan.

Batay sa huling monitoring ng Weather Bureau, nananatiling nasa critical level na 68.85 meters level ang tubig ng La Mesa Dam sa Quezon City kung saan ito ay lubhang mababa mula sa normal water level nito na 79.60 meters.

Normal naman  ang lebel ng tubig sa Angat dam sa 200.28 meters at Ipo dam sa 101.01 meters.

Kabilang ang tatlong dam sa Angat-Ipo-La Mesa system na pangunahing pinanggagalingan ng supply ng tubig sa National Capital Region (NCR).

Bukod sa monitoring, patuloy rin na  kinakalap ngayon ng Pagasa ang datos ng iba pang dam sa buong Filipinas. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.