PANGUNGUNAHAN ng Catholic Mass Media Awards (CMMA) ang unang CMMA Judges’ Conference sa Hulyo 5 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, sa 4th Floor, Lay Formation Center, San Carlos Seminary, Guadalupe, Makati City.
Pasisimulan ang conference ng isang banal na misa na pangungunahan ni Fr. Anton C. T. Pascual, Radio Veritas president.
Magdiriwang ng ika-40 anibersaryo ngayong taon, sinabi ni Rev. Fr. Hans Magdurulang, CMMA judges coordinator na idaraos ng CMMA ang Judges’ Conference “as a way for CMMA judges to update and renew their commitment to serve the Lord by acknowledging the true and positive image of the mass media.”
Dalawang speaker ang magsalita sa CMMA Judges’ Conference na kinabibilangan ng sikat na broadkaster na si RGMA Network, Inc. president Mike Enriquez, at Fr. Jerome Secillano, Parish Priest ng Our Lady of Perpetual Succour Parish. Itutuon ang kanilang mga pahayag sa temang “The truth will set you free” (Jn 8.32); fake news at journalism for peace, base sa mensahe ni Pope Francis sa World Social Communications Day 2018.
Magdaraos din ng open forum sa CMMA judgets at speakers, at group sharing activities.
Itinatag noong 1978 ng yumaong Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, ang CMMA ay nagsilbing parangal sa mga naglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng media. Sa paglipas ng panahon, ay nakamit ang layunin nito sa tulong ng mga respetadong personalidad sa larangan ng komunikasyon, media observers at critics, mga miyembro ng academe, mga pari at mamamayan at civic organizations, na nagbibigay ng kanilang oras at kasanayan sa CMMA sa pagiging mga hurado na pumipili sa pinakamagaling at karapat-dapat na entries sa iba’t ibang media categories.
Comments are closed.