BUMIGAY ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) na naging dahilan sa pagka-kansela ng 68 domestics at 7 international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Naapektuhan ang libo-libong mga pasahero ng domestics at maging ang international passengers.
Ayon report ang system na ito ay pinondohan ng 10.8-billion pesos ng Japan International Cooperation Agency (JICA), at natapos ito noong October 2017.
Ang CNS/ATM system ang nagbibigay ng ibat-ibang computer safety measures pagdating sa Air Traffic Control (ATC), at isa rin ito sa pinagbabasehan ng mga piloto para sa safety through reduction of controller/pilot workloads and human errors.
Nakikipag-ugnayan ang CAAP sa Manila International Airport Authority (MIAA) upang mabigyan ng kaukulang solusyon ang pagkasira ng power system ng CNS/ATM, na hanggang ngayon ay hindi pa madetermina ang naging sanhi ng power outrage.
Naapektuhan din o nagkaproblema ang kanilang uninterruptible power supply na ginagamit bilang back up kapag nawalan ng kuryente.
Habang isinusulat ang balitang ito hanggang alas- 4 ng hapon ay naibalik na ang partial operation, at inaasahan na maibabalik sa lalong madaling panahon ang normal operation sa mga paliparan. Froilan Morallos