MARAMI ang nagulat na mga manonood ng Eat Bulaga nang maging guest co-host ng naturang programa si Sarah Lahbati kung saan ay nakasama pa niya si Pauleen Luna-Sotto sa naturang segment. At tsikang tuloy-tuloy pa rin daw itong pagiging co-host ni Sarah sa “Eat Bulaga”.
Marami ngayong katanungan, hudyat na ba ito ng pagbabalik ni Sarah sa network na “nagsilang” sa kanya sa showbiz world via “Starstruck” kung saan siya ang naging female Ultimate avenger. Dating Kapuso naging Kapamilya ngayon ay balik-Kapuso? Naging samu’t sari ang reaksiyon ng mga netizen sa muling pag-apak ni Sarah sa Kapuso Network. May naiinis, may natutuwa at iba ay dedma na lang.
Kaya naiwan ngayon ang katanungan na muli bang babalik sa Sarah sa GMA 7? Lalo pa nga’t halos 7 buwan na niyang naisilang ang kanyang 2nd baby at balik sexy na siya ulit ay hindi pa napanonood sa ABS-CBN ang byuti ni Sarah? Ngayon balik-telebisyon na si Sarah ay sa GMA 7 pa siya unang nasilayan ng kanyang followers.
Floating pa rin kung balik-Kapuso si Sarah dahilan sa open naman daw ang “Eat Bulaga” sa mga guest na Kapamilya. Pero ang kadalasan na nagiging guest nilang Kapamilya star ay nagiging Kapuso sooner or later. May nagsasabi rin na una na raw muna si Sarah bago susunod na rin sa pagbabalik-Kapuso ang mister nitong si Richard Gutierrez.
KATE VALDEZ AT MIKEE QUINTOS PLASTIKAN TO THE HIGHEST LEVEL
PACKAGE deal ba talaga sina Mikee Quintos at Kate Valdez? Kapuna-puna na sa mga baguhan sa kuwadra ng GMA artists ay itong sina Kate at Mikee ang madalas na magkasama sa shows ng Kapuso Network. Una na rito ay ang “Encantadia” at pagkatapos nito ay sa “Onanay” kung saan ay lumabas silang magkapatid at dito na raw nagsimula ang insecurities ng dalawa sa isa’t isa.
Dahil kontrabida si Kate kay Mikee, maraming naiinis kay Kate dahil sa pang-aapi niya kay Mikee, pero lumutang naman daw na mas magaling umarte si Kate kaysa kay Mikee dahilan na rin sa pagkainis sa kanya ng televiewers.
At sa bagong musical show ng GMA 7, ang “Studio 7” ay magkasama na naman ang dalawa. Tuloy ang labanan ng pagalingan ng dalawa kung kinabog daw si Mikee ni Kate sa aktingan sa “Onanay”, kakabogin naman daw ni Mikee si Kate pagdating sa kantahan.
Sa presscon ng “Studio 7” ay natanong si Kate sa diumano ‘patalbogan’ nila ni Mikee. Ani ni Kate, wala raw ganu’n. Magkaibigan sila diumano ni Mikee at suportado nila ang bawat isa para sa ikakaganda ng kanilang show. Sa muling pagsasama nila ay happy si Kate at wala raw kompetisyon sa kanila ni Mikee.
Comments are closed.