CO-OPS IBA-BAN SA RICE IMPORTS PARA MAIWASAN ANG PANG-AABUSO NG TRADERS

RICE IMPORTS-2

HINDI na papayagan ang mga kooperatiba sa bansa na umangkat ng bigas, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Sa Senate hearing sa agriculture, sinabi ni Senadora Cynthia Villar na ang mga kooperatiba ng mga magsasaka ay ginagamit ng rice importers para makaiwas sa pagbabayad ng taripa.

“They are being used by the traders. Ginamit na ‘yan before eh. Nang makulong, ako pa nagbayad ng kanilang piyansa kasi naawa ako eh. Ginamit sila eh. Nung iniimbestigahan na sila, wala na ‘yung trader. Kawawa ‘yang mga cooperatives na ‘yan,” sabi ni Villar.

“They said if you use the coop, you are not paying tariff. Kaya ginagamit na ng rice importer ‘yung coop,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Dar na inimbestigahan na ng DA ang bagay na ito at bumuo ng desisyon.

“I will issue an order not to allow now cooperatives and associations to import (rice),” anang kalihim.

Sa halip, iminungkahi ni Senador Francis Pangilinan na tulungan ng mga lokal na pamahalaan ang mga kooperatiba sa pamamagitan ng direktang pagbili sa mga ito ng bigas.

Naniniwala ang senador na ginagawa ito ng mga kooperartiba dahil hindi sila naaanggihan.

Aniya, dapat dalhin ang mga kooperatiba sa LGUs para huwag na silang mag-import.

“Magbenta na lang sila nang magbenta sa LGU at ang LGU bumili sa kanila. Doon sila maaanggihan sa tama[na paraan].”added.

Comments are closed.