COA PINATITIGIL SA FLAGGING SA GOV’T TRANSACTIONS

INATASAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit na itigil na ang flagging sa mga transaksiyon ng gobyerno at ang pagsasapubliko ng mga report.

Sinabi ng Pangulo na ito ay dahil sa agad na nababahiran at napagduduhan na mayroong korupsiyon ang proyekto kahit na kulang lang naman sa pagsusumite ng mga dokumento.

“Stop that flagging, g**d*** it. You make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging. The flagging is spelled f-l-a-g-g-e-d. Ang ginagawa ninyo is f-l-o-g-g-i-n-g. Flogging, hampas. Eh huwag naman sige kayong flag nang flag. Tapos wala namang napreso, wala naman lahat. And yet you know that when you flag, there is already a taint of corruption by perception. You cannot… You know, this COVID-19 will never be won by the way you are also behaving,” ayon sa Pangulo.

Sinasabing Ikinadidismaya ng Pangulo ang pag-flag ng COA sa P67 bilyong COVID fund ng Department of Health.

“You make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging,” ayon pa sa Pangulo.

Giit nito ay hindi dapat na magsagawa ng audit ang COA kapag ongoing pa ang isang proyekto dahil kapag kasi nailalabas sa media na may kaduda-dudang transaksyon ay mistulang nagiging gospel truth na ito sa isipan ng publiko.

33 thoughts on “COA PINATITIGIL SA FLAGGING SA GOV’T TRANSACTIONS”

  1. Medscape Drugs & Diseases. Drugs information sheet.
    viagra wiki
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. safe and effective drugs are available.

Comments are closed.