COACH BO SUSPENDIDO!

on the spot- pilipino mirror

SA UNANG pagkakataon ay noon ko lang nakita kung paano magalit si coach Bo Perasol ng University of the Philippines Fighting Maroons sa kanilang laro kontra  Ateneo Blue Eagles. Nanalo ang Blue Eagles, 89-63. Hindi napigilan ni coach Perasol ang magalit kay ref Jaime Rivano nang tawagan nito ng foul si UP player Bright Akhuetie.

May 6:23 ang nalalabi sa 3rd quarter nang patalsikin si Perasol sa hardcourt. Buong akala kasi ni coach Bo ay pinag-iinitan ni ref Rivano si Akhuetie.  Nakaakmang susuntukin ni coach Bo ang referee sa gigil nito.

Dahil sa nangyari ay binigyan ng kaparusahan si coach Bo Perasol ni UAAP Commissioner Jensen Ilagan ng 3-game suspension. Ngayong linggong ito sisimulan ang suspension niya against FEU, sunod nito ay laban naman sa UE ,at ang huli ay kontra UST. Siyempre, sayang dahil maganda ang simula ng UP Fighting Maroons kung saan sa pagtatapos ng first round ay may 5-2 kartada ang koponan.

Sa totoo lang ha, panay ang awat ng coaching staff kay Perasol, pati na ang mga player niya. Sa tindi ng galit ni coach ay hindi talaga siya napigilan. Nadala ng sobrang emotion si coach Bo sa kanilang laro.



Bagama’t nagsimula nang sumama sa practice si Calvin Abueva sa kampo ng Phoenix Fuel Masters ay hindi pa alam kung kailan siya isasalang ng team. Excited ang mga follower ni Abueva, gayundin ang fans ng Fuel Masters sa pagbabalik ng player sa court. Marami ang nagtatanong kung ibang Abueva na nga ba ang napapanood nila. Sa tingin ko ang laro ni Calvin ay hindi nagbabago, dapat ang ugali niya sa court ang baguhin niya. Kung mapang-asar siya dati, dapat ay ayusin na niya. Kung mainitin ang ulo ay kaunting lamig upang tuloy-tuloy ang paglalaro. Sapat na ang tatlong buwan na hindi paglalaro.

Samantala, balikan blues na rin sila ng kanyang waswit pagkatapos ng maaanghang na salita na binitiwan sa video ng kanyang asawa, gayundin ng player at umabot pa sa korte ang kanilang kaso. Katunayan, pinagbawalan pa nga si Calvin na lumapit  sa asawa nito. Dahil pamilya at nanganak na ang misis ni Calvin, pinatawad nila ang isa’t isa. Kaya tuloy ang ligaya sa pamilya ni Abueva. Bagama’t naging masalimuot ang kanilang pagsasama, basta may namumuong pagmamahalan, puwedeng baguhin ang lahat alang-alang sa kanilang mga anak.

Comments are closed.