COACH LOUIE ALAS TINABLA NG PHOENIX MANAGEMENT

on the spot- pilipino mirror

MASAKLAP ang nangyari kay coach Louie Alas, dating head coach ng Phoenix Super LGP Fuel Masters. Pagkatapos ng 15-day suspension sa kanya ng management dahil hindi ito nakasunod sa health protocol ng team, nagdesisyon ang kompanya na hindi na ipagpatuloy  ang serbisyo ni Alas bilang head coach ng team at pansamantalang ang asst. coach niyang si Topex Robinson ang mamamahala sa koponan sa nalalapit na opening ng 45th season ng PBA Philippine Cup.

Nais kasi ng management na maging maganda ang kalagayan ng team ngayong conference kung saan target nila na makapasok sa semis.

o0o

Wala naman kayang balaak ang Phoenix Super LPG na kunin ang kalibre ni Aldin Ayo na pinatawan ng indifinite ban ng UAAP?  Walang hawak na team ang coach, kung may magkaka-interes  sa NCAA league ay willing naman ito. Mahusay si coach Ayo na humawak ng team, ‘yun nga lang kasi sa mga bata, parang ayaw na sa kanya dahil parang nasakal itong mga collegiate player. Hindi sa sipsip ako kay Ayo, kaya na nitong humawak ng isang PBA team. Good luck, coach Aldin.

o0o

Gulay at mga pagkaing probinsya ang kinakain ni Vic Manuel ng Alaska Aces kung kaya  malakas ang pangangatawan nito at bato-bato.  Laki sa harap si Manuel kaya kahit ano ang kainin ay puwede sa kanya. Wala siyang arte sa pagkain, kahit palakang bukid ay kinakain ng PBA player. Mula sa Nueva Ecija ang pamilya ni Vic.

Speaking of Vic Manuel, interesado ang SMC group na makuha ang kaliibre nito. Lalo na ang Ginebra at San Miguel Beer. Ang tanong lang, sino ang ibibigay ng Gin Kings at Beermen kung sakaling pumayag ang Alaska na pakawalan si Manuel. Malamang ay hindi basta-basta bibitiwan ng Alaska si Manuel na dapat ay matindi ang kapalit nito. Ang dating player ng PSBA ay 38-anyos na, medyo nagkakaedad na rin.

5 thoughts on “COACH LOUIE ALAS TINABLA NG PHOENIX MANAGEMENT”

  1. 443223 757818I genuinely dont accept this specific article. Nonetheless, I had searched with Google and Ive identified out that youre right and I had been thinking inside the improper way. Maintain on creating top quality material related to this. 753409

  2. 253472 34437I think other web site owners should take this website as an model, very clean and superb user genial style and style . 733472

  3. 959016 471212This internet website is often a walk-through rather than the details you wanted about it and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will definitely discover it. 992863

Leave a Reply

Your email address will not be published.