COAST GUARD HANDA NA RIN SA TRASLACION 2019

traslacion

MAYNILA –MAGING ang Philippine Coast Guard (PCG) – National Capital Region (NCR) ay handa na rin  para sa security measures sa Quirino Grandstand at Pasig River kaugnay na rin sa No Sail Zone na ipatutupad sa araw ng ­traslacion.

Ayon kay Capt. Rolando Punzalan, Distict Commander ng PCG-NCR, 31 floating assets ang ide-deploy nang pinagsanib na puwersa ng PCG, PNP Maritime Group, Red Cross, MMDA at Philippine Coast Guard Auxiliary.

Magsasagawa rin ng random inspection sa mga barko sa Pasig river at sa mga bangkang dumadaan dito. Kahapon, nagsagawa na rin ng inspeksyon ang PCG sa likod ng Quirino Grandstand at sa Pasig River kasama na ang ilalim ng Jones bridge.

Kasama sa inspeksiyon ang panelling ng mga bomb sniffing dogs o K9 ng PCG.

Kasabay nito ay ipupuwesto rin ang BRP Boracay at BRP Panglao sa Manila Baywalk at magsisilbing command post at medical evacuation post sakaling magkaroon ng emergency at hindi madaanan ang mga kalsada.

Ang mga rubber boat at small crafts naman ng PCG, Red Cross at ng MMDA na may sakay na mga medical personnel ang maaaring umayuda sakaling may malaglag sa Jones Bridge. VERLIN RUIZ

Comments are closed.